Tuesday, October 22, 2013

That one money/energy/sanity-draining semester..

Second Year – First Semester

Alright, another semester is over. Akalain mo yun, naka-tatlong sem na ako sa law school. Kuddos!
So far, this sem is the most money/energy/sanity-draining sem I had in law school. I experienced so many things, as in!

Naranasan ko umabsent sa isang subject para lang makapag-aral sa isa pang subject. Frustrating pag wala palang klase o recit, sayang yung pag-absent mo dun sa isa. Naranasan ko matulog ng 4am, at gumising ng 8am para lang makapagreview. Naranasan ko matawag sa recitation for three consecutive meetings. Yung parang twenty minutes na lang at uwian na, natawag ka pa. Naranasan ko tumayo for almost two hours dahil sa recitation. Hindi pwedeng umupo hangga't hindi satisfied si Atty. sa mga sagot mo. Buhay nga naman. Hahaha. Pero naranasan ko rin na hindi matawag sa recit for a month, na nagagalit na yung mga kaklase ko dahil hindi ako natatawag. But I guess I paid the price for that when I failed the subject. Traggic.

First time, ever, ko makakuha ng FAILED (F) na final grade. Something I should be sad about, but it’s good that I already accepted the failure even before I saw it. Friday pa lang, pagkabigay ng test questionnaire, tinanggap ko na. Hahaha. When I opened my SIS account, natulala lang ako sandali tapos okay na, hindi na ako naiyak or nagulat. Parang mas magugulat pa ako kung Passed (P) ang nakita ko. Salamat pa rin sa experience, Atty. Salao. Dahil po sa inyo, kasama na ako sa "General Rule." Hehehe. Administrative Law, I’ll see you again next sem. Magtutuos tayo. Aja!

At sa only major subject ko, Property, sobrang thankful ko po nung nakita ko yung grade ko. Sabi ko nga, tinapay lang po yung hiningi ko, pero yung binigay ni Bro, may palaman pa at may kasama pang soft drinks. The best! Salamat, Fiscal Luna.

Pero yung grade na nagpaiyak sa’kin – TRES (3.0). Galing kay Atty. Mercado, professor ko sa Special Contracts. Sobrang thankful ko po dyan, promise! First time ko rin makakuha ng tres pero alam mo yun, priceless. Tagalang sa mga ganitong pagkakataon, mamahalin mo talaga sya. Thank you so much, Sir! Salamat po ulit sa J.Co. Hehehe.

After seeing these grades, I can finally say na law student na nga talaga ako. Hahaha. Hindi pwedeng petiks, hindi pwedeng pwede na, dapat first day pa lang ng klase, magpondo ka na para hindi mahirapan humabol. I learned it the hard way, but still, the most important thing is to keep on moving forward. Just continue, move on, and never give up. Aja!

Salamat, Bro! I owe You everything.


“Lord, give me the strength to accept the things that I cannot change; the courage to change the things that I can; and the wisdom to know the difference.”



x, Aia Tibayan Metrillo


No comments:

Post a Comment